Saturday, November 8, 2008

First day of O.J.T (G.S.I.S)


Syempre maaga akong gumising para sa first day of O.J.T.Andun ang kaba kasi di ko alam ang ipagagawa sa kin..Alam ko makakaya ko yun,ako pa go go go.....Sa aga ko pa rin ng gising nalate pa ako, trapik kasi at tumulong pa ako kay Mama sa pagkukulis ng manok.Pag dating ko dun ng nakapag log-in na pala sina Albert at Sam,tapos dali-dali akong mag log-in at pumasok sa loob at nadatnan ko si Albert at ang iba pang mga O.J.T na galing U.B.Ang alam ko kasi marami mag-oo.j.t dun na galing ibat-ibang skul.Habang asa waiting area kami nakita namin si r.A na paparating,lapit na nga ng bahay late pa,"alam mo naman" joke lamang hehehe.Habang iniintay namin si Sir.Rommel para idestino kami sa ibat-ibang department.Nung dumating na si Sir inilagay na kami sa kani-kaniyang amo.Si r.A itinalaga sa baba,tapos si Randy ay sa records center.at kami ni Albert ay sa I.C.T Department...Si Ma'am Villena ang amo ko,nung una ala pa syang pinagagawa kaya wait lang kami ni Albert.May isang laptop dun at si Jonas ang unang gumamit nun na galing U.B. Commerce ang course niya majoring finance Wow!!!! na impress ako..pero di ko parin nakakalimutan ang mahal ko...sya pa rin tlga.Then si Mam Chona ng pakuha ng isa pang laptop,at si Albert ang nakagamit nun sya ang gumawa ng Template...Easy easy naman si Albert...Habang wait pa rin me ng Computer ay inutusan muna ako ni Mam na mag ayus ng mga papel about sa insurance.Halos yun na yata ang nagawa ko mag hapun akala ko pa naman makakapagtemplate ako.yun pala hindi..I wish tomorrow makapagtemplate na ako..plsssssss

Saturday, October 25, 2008

Binaboy na pagibig




Alam ko na ako lagi ang tampunan basta
pinaguusapan na ang salitang baboy...ewan ko ba bakit ako?
di na man ako baboy,oo mataba lang me,pero di ako asal baboy
tulad ng iba dyan ( parang may natatamaan )hehehe joke.
Kung saan sila'y masaya na kutyain ako,masaya na rin me un
naman importante para sa kin magin g happy sila, kahit
dito sa puso ko puno ng pighati.....cguro para sa kanila ay
biro lamang eh ako naman itong sensitive.
Maramdamin kasi ako parang papaya isang tusok
mo iyak na!.Di ako umiiyak sa harap nila,
para maipakita ko sa kanila na hindi ako talunan bagama't
sa bahay ako umiiyak at nagsesenti......
hayZ.... naku Life nga naman puno ng Struggle pero nagsusurvive
pa rin ako, kasi diba? habang buhay may pag-asa.
Kaya may pag -asa akong pumayat HEHEHEHEHE
assuming ang lola mo!.



Puno ng pighati pagsya ang kumukutya sa kin kasi
mahalaga sya sa puso ko eh napakamanhid kasi nyang taong yan,
ewan ko ba kung bakit ganun sya sa kin napakalaki ng galit,
ako naman di ko sinasabayan ang galit nya kundi
inuunawa na lang, mahal ko kasi......kahit binababoy nya
ang pagibig ko, eh parang wala lang sa kin martir kasi ako.
Pero sana marealize mo na nakakasakit ka na ,
kundi mo ako igalang bilang na nagmamahal sa iyo ,
eh igalang mo ako bilang tao na di perpekto at di manhid
kaya nararamdaman ko ang sakit na gingawa mo sa kin.
Alam natin lahat ng bagay ay may hangganan..
wag mong kalimutan nyon...
Bagama't nasaktan na ako ,eh di pa rin tumitigil
ang puso ko na mahalin ka at unawain habang ako'y nabubuhay.

Tuesday, October 7, 2008

Friendship or Fight for Love?

Sa ngayon, ok na lang kami pero isinasantabi ko na muna ang nararamdaman ko para sa kanya para lang di sya magalit sa akin at maging ok ang takbo ng aming buhay sa araw-araw.Mahirap para sa akin ang ganitong sitwasyon, subalit kong yun ang hinihingi ng pagkakataon,bakit hindi. Minsan iniiwasan ko sya, parang ok pa nga na ganito, balik uli kami sa friendship pero nagkaroon na ng gap sa aming dalawa at dun ako nanghihinayang...Minsan iniisip ko sana di ko na lang sya nakilala at di na me nasasaktan ng ganito,cguro nga may tamang panahon para aming dalawa.
Kung friendship ang pipiliin ko magiging ok ang lahat sa aming dalawa ,babalik na ung dating sya at di na magagalit sa akin....kahit ang puso ko ay puno ng pighati at pangulila sa pagmamahal nya , matitiis ko naman yun kahit na nakikita ko sya na masaya sa piling ng iba. Kung fight for love bakit hindi, maipaglaban ko lang ang pagmamahal ko sya kanya kaya nga may salitang Laban .



Eh kaso lang di ako kayang ipaglaban ng minamahal ko, di walang saysay pero nagawa ko naman ung part ko being in-love with him at di ako magsisisi na minahal ko sya.Pero andito na ako kaya paninindigan ko na ang lahat ngayon lang kasi dumating kaya di ko na pakakawalan pa, kahit minsan niloloko nya ako diretso pa rin kasi sya ang kahinaan ko at gagawin ko yata ang lahat para sa kanya kahit magmuka akong tanga sa harap nila. I decided to choose Fight for Love kasi dun ako masaya at challenge para sa akin ang lahat na ito kahit na masakit, kaya tinatawag na love di ba? Sana matutunan mo kong mahalin sa bawat pagdaan ng panahon...kasi yun lang ang kaligayan ng puso kong sawi.

Walang Kaumay-umay na BananaQue


Alam nating lahat na napakasarap at masustansya ang saging sa katawan.Kaya nga bago matapos ang araw na ito ay di ko kakaligtaang hindi kumain ng bananaque,ewan ko ba kung anong gayuma meron ang bananaque at di me nagsasawang kumain nito.Mura na, Mabigat pa sya sa tyan , solve na launch ko...Basta may sampung piso ka, may bananaque ka na!!!!kaya nga cguro tumataba ako....hehehehehe.Tatlong saging sa maghapon, unang saging sa umaga, pangalawa sa tanghali,at sa gabi ang pangatlo.Ang Bibibibi......gat nyan sa tyan cguro ang laki ng tyan mo....Yan tuloy nagugutom na naman ako.Sama kau kain tau Bananaque.

Congo

Isa itong sabayang pagbigkas sa Public Speaking para sa Finals.. At katunggali namin ang BEED -AM 3rd year at andun ang kaba sa bawat isa amin kasi alam naman natin na bihasa na sila sa mga role play at speech,pero kahit CP-AM lang kami alam namin ung salitang LABAN.....Isa araw lang kami nagpraktis at nagprovide ng costume namin sa bahay ni Arlene ang bait tlga ng Nanay nya,sulit tlga pagpunta namin dun ang sarap kain namin dun,hehehe takaw ko nga......bago kami kumain hinabol pa ako muna ng.......patikar na ang takbo ko sabay ang irit...habang nagpuputol kami kawayan.Then nagpraktis na kami ng paulit-ulit lang hanggang mamemorize namin ung speech...Inabot na nga kami ng gabi dun.Kinabukasan ,maaga kaming pumasok para magpraktis uli at ayusin ung mga profs...Startna ng program unang tinawag ang BEED na Congo ok naman ung kanila,malakas boses at sabay sabay....next ay kami na, may kaba sa bawat isa..maganda daw ang sa amin,kaso nga lang mahina boses ,kasi naman napitpit ng kawayan ung paa ni Xid,R.A at Rina,dami dahilan noh!!! bongga kasi profs namin..kahit di kami nanalo pero para sa amin panalo pa rin kami kasi binigay namin ung best at effort ng bawat isa sa amin..

Thursday, October 2, 2008

Pobya ako sa Galit mo


Naiinis tlga me sa sarili ko......kasi naman po ung isa dyan.... lagi na lang galit sa akin wala naman akong gingawang masama sa kanya,nanahimik na nga me at di cya inaasar pero sa akin pa rin binubungtun ang galit nya..ewan ko...kaya lagi kong sinisisi ang sarili ko. Ang tanga mo tlga!wag mo nang pansinin ang lalaking yun at kalimutan nya sya..di ka naman nya mahal eh!,at di siya karapat-dapat sa pagmamahal mo,sinasaktan ka lang nya at pinagmumukang tanga.Pero bakit sabi nag puso ko ay ipaglaban mo ang pagmamahal mo para sa kanya,kahit na nasasaktan ka na kasi part ito ng love...ang gusto ko lang ipabatid sa kanya ay di me susuko hanggang wakas..Sory na!!!!! kung may nagawa akong masama sayo, di ko namang intensyon na masaktan ka...Ang gusto ko nga mapasaya ka sa bawat araw na dumaan.....DI KITA GUSTO, KASI MAHAL NA MAHAL KITA.

Wednesday, September 24, 2008

I'am the girl for you..........

Tama ka! ang sarap ulit-ulitin ang kantang If you we're my girl ,
para kasing di nakakasawang pakinggan parang puso ko di
magsasawang mahalin ka hanggang sa wakas ng aking buhay...
kahit na paulit-ulit akong nasasaktan....

Ako cguro ang babaeng nakatadhana para sayo
at may katangina na hinahanap mo...
kahit di minsan me perfect
for you but we perfect for each other....
-> I'am the girl for you its because alam ko na matutunan mo din akong mahalin sa takdang panahon at paghanda ka sa naramdaman mo....
-> I'am the girl for you its because mapagkakatiwalan mo ako sa lahat ng oras,at karapat dapat ako sa pagmamahal na iaalay mo kasi ipararamdam ko ang tunay at dalisay na pagmamahal para sayo.
-> I'am the girl for you its because nung una pa lang, minahal na kita at tanggap ko ng buong puso maging sino kaman,paninindigan ko yun hanggang sa wakas.
-> I'am the girl for you its because di ko intensyon galitin ka, cguro nadadala lang me ng tukso....All I want for you is always be happy...
-> I'am the girl for you its bacause alam natin na tayo ang gumagawa ng ating destiny kaya nga ipaglalaban ko ang pag-ibig ko para sayo sa dulo ng walang hanggang..at di me susuko
-> I'am the girl for you its because di kita pinahihiya at alam mo na di kita kinahihiya , pinararamdam ko lang ang pag-ibig ko para sayo..sinasabi ko lang sa mundo kung gaano kiya kamahal.
-> I'am the girl for you its because alam ko na yun,sana wag mo akong ikahiya at gusto ko lang e-clear ang lahat sa ating dalawa.
-> I'am the girl for you its because palayain mo lang nararamdaman mo at magiging masaya ka at harapin ang katotohanan.
-> I'am the girl for you its beacause sasamahan kita sa lahat ng oras maging sa lungkot, saya at kabiguan ng buhay.......I always here for you for the rest of my life.
-> I'am the girl for you its because cguro naiinis lang me at that time...pero ginagawa ko ang bawat nga promise ko para sayo... kasi importante ka sa buhay ko.
-> I'am the girl for you its because oo gagawin ko ang lahat magkasama lang taung dalawa for life!!!!
-> I'am the girl for you its because magiging patience na ako at magiintay me sa mga sagot mo.
-> I'am the girl for you its because magkakaroon tau ng stable na job,at magkasama tau na tuparin ang bawat pangarap natin sa buhay, at matulungan ang mga pamilya natin,bago tau magsama bilang mag-asawa.
-> I'am the girl for you its because oo sabay natin abutin ang pangarap natin at handa tau for the future.
-> And I'am the Girl for you........

Kasi naintindihan kita, alam ko na bata pa tau ,alam ko ang bawat limitasyon natin.Sasamahan kita sa mga pangarap mo at sabay nating tutuparin.........