Saturday, October 25, 2008

Binaboy na pagibig




Alam ko na ako lagi ang tampunan basta
pinaguusapan na ang salitang baboy...ewan ko ba bakit ako?
di na man ako baboy,oo mataba lang me,pero di ako asal baboy
tulad ng iba dyan ( parang may natatamaan )hehehe joke.
Kung saan sila'y masaya na kutyain ako,masaya na rin me un
naman importante para sa kin magin g happy sila, kahit
dito sa puso ko puno ng pighati.....cguro para sa kanila ay
biro lamang eh ako naman itong sensitive.
Maramdamin kasi ako parang papaya isang tusok
mo iyak na!.Di ako umiiyak sa harap nila,
para maipakita ko sa kanila na hindi ako talunan bagama't
sa bahay ako umiiyak at nagsesenti......
hayZ.... naku Life nga naman puno ng Struggle pero nagsusurvive
pa rin ako, kasi diba? habang buhay may pag-asa.
Kaya may pag -asa akong pumayat HEHEHEHEHE
assuming ang lola mo!.



Puno ng pighati pagsya ang kumukutya sa kin kasi
mahalaga sya sa puso ko eh napakamanhid kasi nyang taong yan,
ewan ko ba kung bakit ganun sya sa kin napakalaki ng galit,
ako naman di ko sinasabayan ang galit nya kundi
inuunawa na lang, mahal ko kasi......kahit binababoy nya
ang pagibig ko, eh parang wala lang sa kin martir kasi ako.
Pero sana marealize mo na nakakasakit ka na ,
kundi mo ako igalang bilang na nagmamahal sa iyo ,
eh igalang mo ako bilang tao na di perpekto at di manhid
kaya nararamdaman ko ang sakit na gingawa mo sa kin.
Alam natin lahat ng bagay ay may hangganan..
wag mong kalimutan nyon...
Bagama't nasaktan na ako ,eh di pa rin tumitigil
ang puso ko na mahalin ka at unawain habang ako'y nabubuhay.