Tuesday, October 7, 2008

Friendship or Fight for Love?

Sa ngayon, ok na lang kami pero isinasantabi ko na muna ang nararamdaman ko para sa kanya para lang di sya magalit sa akin at maging ok ang takbo ng aming buhay sa araw-araw.Mahirap para sa akin ang ganitong sitwasyon, subalit kong yun ang hinihingi ng pagkakataon,bakit hindi. Minsan iniiwasan ko sya, parang ok pa nga na ganito, balik uli kami sa friendship pero nagkaroon na ng gap sa aming dalawa at dun ako nanghihinayang...Minsan iniisip ko sana di ko na lang sya nakilala at di na me nasasaktan ng ganito,cguro nga may tamang panahon para aming dalawa.
Kung friendship ang pipiliin ko magiging ok ang lahat sa aming dalawa ,babalik na ung dating sya at di na magagalit sa akin....kahit ang puso ko ay puno ng pighati at pangulila sa pagmamahal nya , matitiis ko naman yun kahit na nakikita ko sya na masaya sa piling ng iba. Kung fight for love bakit hindi, maipaglaban ko lang ang pagmamahal ko sya kanya kaya nga may salitang Laban .



Eh kaso lang di ako kayang ipaglaban ng minamahal ko, di walang saysay pero nagawa ko naman ung part ko being in-love with him at di ako magsisisi na minahal ko sya.Pero andito na ako kaya paninindigan ko na ang lahat ngayon lang kasi dumating kaya di ko na pakakawalan pa, kahit minsan niloloko nya ako diretso pa rin kasi sya ang kahinaan ko at gagawin ko yata ang lahat para sa kanya kahit magmuka akong tanga sa harap nila. I decided to choose Fight for Love kasi dun ako masaya at challenge para sa akin ang lahat na ito kahit na masakit, kaya tinatawag na love di ba? Sana matutunan mo kong mahalin sa bawat pagdaan ng panahon...kasi yun lang ang kaligayan ng puso kong sawi.

No comments: