Tuesday, September 23, 2008

Tugtog ng Musika


T ok! Tok! Tok!
Sa tarankahan ay may kumakatok
Humihiyaw, nananangis.........
Nangangalabog at nangangalit
Waring hayop na mabangis
Ang kamalay ko ay nabuksan.
Ikaw ay nasumpungan.

Sa isang Kumpas ay buong pagkabigla,
Isip ko ay napanid at waring estranghero.....
Musika'y tumunog at ako'y nalibang
La la la la la la la la............

Lumakad, lumipas ang panahong matulin,
Tumakbo,lumundag nang pagkabilis-bilis
Kalooban ay nagkaisa, ramdam ko ang kaligayan
Bawat tugtog ninamnam at isa na puso
Sarap ng ating pinagsamahan
Tugutog! Tugutog! Tugutog
Nayanig, Nagimbal Natulala!

Sa bigla mong Paglisan
Tunog ay Kumalabog...,
Kaluluwa'y nabulabog...
Sa biglang paghinto
Ng musika sa aking puso,

Kasama at minamahal ko,
Kaibigan ko'y, sa 'kin ngayo'y malayo
Ang sakit na nararamdaman ko,
Ala na yatang lunas,
Sa pusong pighati at sakit,....
O Bakit Dyos ko?
Kasagutan ang nais ko..........

No comments: